Fuel subsidy para sa mga mangingisdang apektado ng oil spill sa Bataan, ipamamahagi na ng pamahalaan

Ipamamahagi na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang fuel assistance bilang paunang tulong sa mga mangingisdang apektado ng oil spill sa Bataan.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DA Asec. Arnel de Mesa, P3,000 ang matatanggap ng bawat mangingisda para makapangisda raw sila nang medyo malayo mula sa pinaglubugan ng MT Terra Nova sa Limay at sumadsad na MV Mirola 1 sa Mariveles.

Nakikipagpulong na rin aniya ang DA sa DSWD para mabigyan rin ng tulong ang mga apektadong mangingisda sa ilalim ng assistance to indviduals in crisis situation (AICS).


Ayon pa kay De Mesa, pinag-aaralan din nila kung uubrang magamit ang quick response fund para sa ayuda.

Nauna nang sinabi ng DA na pinag-aaralan ng ahensya ang pwedeng alternatibong hanapbuhay na pwedeng ibigay sa mga mangingisda.

Facebook Comments