Magpapatuloy ang tulong ng pamahalaan sa mga mangingisda partikular sa mga small scale fisherfolks ngayong taon.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Spokesperson Nazario Briguera na titiyakin pa rin ng gobyerno na matutukan ang mga pangangailangan ng mga magsasaka lalo na ang mga nangangailangan ngayong taong 2024.
Sa katunayan, umabot na sa 489 milyong piso ang ginamit na pondo ng pamahalaan sa ginagawang fuel subsidy at ito ay tuloy-tuloy na gagawin.
Nakinabang aniya dito ang mahigit 71,000 mga small scale fisherfolks.
Kaugnay nito, sinabi ni Briguera na sinisikap din ng pamahalaan na magkaroon ng sapat na post-harvest facilities ang mga small scale fisherfolks upang mapreserba ang kanilang huli at maibenta sa tamang presyo.
May programa aniya ang gobyerno para rito gaya ng pagtatayo ng mga ice cold storage at ice making facilities sa mga coastal areas.