Inabisuhan ang mga Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) Presidents sa Mangaldan,na ibigay ang withdrawal slips para makatanggap ng fuel subsidy sa mga miyembrong may aktibong driver’s license, mayor’s permit, at beripikadong status mula sa Business Permit and Licensing Section (BPLS).
Ito ang binigyang-diin ng Municipal Local Government Operations kasabay ng orientation sa mga presidente at distribusyon ng withdrawal slips para sa subsidiya.
Bahagi ito ng pagpapaintindi sa panuntunan at paghahanda sa maayos na proseso ng payout.
Nakatakdang makatanggap ng tig-P1, 100 na ang bawat kwalipikadong miyembro ng TODA.
Tugon ito sa pangangailangan ng suporta sa sektor ng transportasyon sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Sa huli, iginiit na kinakailangang ipresent ang withdrawal slips para makatanggap ng ayuda.









