Tinalakay ng local government unit ng Mangaldan sa pamamagitan ng Municipal Local Government Operations Office kasama ang mga tricycle drivers at operators ang ukol sa paparating na fuel subsidy payout para sa mga ito.
Mula ang naturang subsidy sa ilalim ng Pantawid Pasada Program ng DILG Memorandum Circular No. 2023-150 kung saan bawat tricycle drivers at operators na makakasama sa naturang payout ay tatanggap ng isang libong piso.
Naglalayon ang assistance na ito na makapagbigay ng kaunting tulong sa mga nararanasan ngayon ng mga tricy drivers at operators sa nagsisi taasang presyo ng produktong petrolyo.
Samantala, inilahad din sa naturang pagpupulong ang mga qualification criteria para sa pagtatanggap ng subsidy kung saan dapat ay eligible, at may may active driver’s license at mayor’s permit ang tricycle driver at status verified sa pamamagitan ng records of the Business Permit and Licensing Section (BPLS). |ifmnews
Facebook Comments