FUEL SUBSIDY PARA SA TRANSPORT SECTOR, UMPISA NA ANG PAMAMAHAGI ; ILANG MGA TRICY DRIVERS SA DAGUPAN CITY, NAGPAHAYAG NG SALOOBIN KAUGNAY DITO

Umpisa na noong Sept. 13, ang pamamahagi ng one time fuel subsidy o Pantawid Pasada ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa transport sector na apektado ng nagpapatuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong langis.
Makakatanggap ang mga ito ng tulong pinansyal bilang depende sa kinabibilangang kategorya sa minamanehong pampublikong sasakyan, tulad ng mga operators ng modernized jeepneys na nasa 10, 000 piso ang matatanggap, ang mga operators ng traditional na jeepneys – nasa 6, 500, ang mga tricy drivers naman, makakatanggap din ng isang libong piso.
Kabilang pa sa mga makakatanggap ng tulong pinansyal ay ang mga public utility buses, taxis, tricycles, school bus at iba pa.

Ilang mga tricy drivers naman sa Dagupan City ay nagpahayag ng saloobin kaugnay dito dahil matutuwa umano at malaking halaga na sa iba ang isang libong piso kung makakatanggap bagamat pasakit pa rin umano sa mga ito ang taas presyo sa mga produktong petrolyo.
Nasa 300 pesos umano kada araw ang kakailanganing pampagasolina upang makapagpatuloy sa pamamasada, na malaking kabawasan na raw sa dapat na halagang kikitain sa buong araw, dagdag pa ang mga malalayo umanong ruta bunsod ng ilang ipinatupad na one way scheme sa lungsod.
Samantala, sa kasalukuyan ay nasa ikasampung linggo na ang tuloy tuloy na pagsirit sa presyo ng mga produktong langis at inaasahang magtatagal pa ito umano hanggang sa mga susunod pang buwan. |ifmnews
Facebook Comments