Fuel subsidy sa ilalim ng Pantawid Pasada Program, itinaas sa higit ₱20,000

Manila, Philippines – Tinaasan ng gobyerno ang fuel subsidies para sa Public Utility Vehicle (PUV) operators and drivers sa ilalim ng Pantawid Pasada Program (PPP) sa ₱20,514.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang PPP ay isa sa social mitigation measures ng pamahalaan na layong magbigay ng fuel subsidies sa pamamagitan ng fuel cards na nagkakahalaga ng ₱5,000 para sa 2018 at ₱20,514 sa 2019.

Ang programa ay pinondohan sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.


Sa programa, nasa 180,000 jeepney operators and drivers sa bansa ang makikinabang.

Nagpaalala ang LTFRB sa mga lehitimong franchise holders ng Public Utility Jeepneys (PUJ) na kunin ang kanilang fuel voucher cards hanggang February 28 sa mga opisina nito sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Facebook Comments