Inihain sa Kamara ang isang panukala para sa fuel subsidy ng mga mangingisda sa bansa.
Layunin ng inihaing House Bill 9483 o “Pantawid Pambangka Law” na magkaloob ng “fuel subsidy” o subsidiya sa gasolina o iba pang produktong langis para sa mga mangingisda.
Sa oras na maging ganap na batas, ang mga benepisyaryo ay bibigyan ng “voucher” na nagkakahalaga ng P1,000 kada buwan at dadagdagan kada taon.
Bukod dito, ang mga benepisyaryo ay awtomatikong magiging miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) habang ang Social Security System (SSS) ay maglalaan ng “micro-insurance mechanism.”
Isinusulong din ang pagkakaroon ng Pantawid Pambangka Program na tutulong at kikilala na rin sa malaking kontribusyon ng mga mangingisda sa ekonomiya, at “food security” o seguridad ng pagkain.