
Kayang ipamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw ang fuel subsidy para sa mga tsuper at operator ng pampublikong transportasyon.
Ito ang tiniyak ni LTFRB Executive Dir. Greg Pua sa pagdinig ng House Committee on Transportation ukol sa fuel subsidy program ng Department of Transportation (DOTr).
Tugon ito ni Pua sa tinanong ni Kamanggagawa Party-list Rep. Eli San Fernando kung gaano kabilis maipapamahagi ang fuel subsidy kapag nailabas na ang pondo at sertipikasyon mula sa Department of Energy (DOE).
Paliwanag ni Pua, mabilis ang proseso dahil hindi na ito bago kaya may mga fuel subsidy cards na ang mga benepisyaryo at yung wala ay maaring makatanggap sa pamamagitan ng GCash na ginamit na noong 2024.










