Fuel subsidy tuloy kahit bumababa na ang presyo ng produktong petrolyo

Magpapatuloy ang pamamahagi ng fuel subsidy ng pamahalaan kahit pa makaranas ng pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Ito ang tiniyak ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Regional Director for NCR Zona Russet Tamayo sa gitna ng pamamahagi ng pamahalaan ng fuel subsidy.

Sa Laging Handa ang public press briefing, ipinaliwanag nito na naibigay na kasi sa kanila ang P1 billion budget na laan para dito.


Ibig sabihin, obligasyon na ng LTFRB at Department of Transportation (DOTr) na ipamahagi ito sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Aniya, kahapon lamang, una na nilang nai-credit sa mga beneficiaries ang nasa higit Php 560 million na fuel subsidy o Php 7,200 per unit.

Kaugnay nito, nilinaw ng opisyal na ang fuel subsidy na ito ay dapat na gamitin lamang sa pambayad ng biniling krudo at hindi maaaring i-withdraw o ipambli ng iba pang bagay.

Facebook Comments