Fuel surcharge, bababa sa buwan ng Hulyo —Civil Aeronautics Board

Courtesy: Civil Aeronautics Board

Good news sa mga traveler!

Nakatakdang bumaba ang airline fuel surcharge sa susunod na buwan.

Ayon sa Civil Aeronautics Board (CAB), nangangahulugan lamang ito na bababa ang presyo ng pamasahe para sa domestic at international flights.


Mula sa level 6 ngayong Hunyo ibababa sa level 5 ang fuel surcharge simula July 1 hanggang July 31.

Para sa level 5, naglalaro ang domestic passenger surcharge sa pagitan ng P151 hanggang P542 habang naglalaro naman sa P498.3 hanggang P3,703.11 ang surcharge para sa international flights.

Mas mababa ito kumpara sa level 6 na domestic passenger surcharge mula P185 hanggang P665 habang nasa pagitan naman ng P610.37 hanggang P4,538.40 ang sa international passenger surcharge.

Ito na unang beses na bababa ang fuel surcharge sa bansa simula pa noong Marso.

Dagdag pa ng CAB, ang applicable na conversion rate sa Hulyo para sa surcharge na ito ay P58.7 kada 1US dollar.

Facebook Comments