
Inanunsyo ng Civil Aeronautics Board (CAB) na mananatili sa Level 4 ang fuel surcharge sa Pebrero, na ika-pito nang magkakasunod na buwan mula Agosto ng nakaraang taon.
Ayon sa CAB, ang fuel surcharge sa domestic flights ay nasa PHP117 hanggang PHP342, habang para sa international flights ay nasa PHP385.70 hanggang PHP2,867.82, depende sa distansya.
Para naman sa cargoes, ang fuel surcharge ay nasa:
P0.60 hanggang P1.76 per kilogram para sa one-way domestic flight
P1.98 hanggang P14.74 per kilogram para sa one-way international flight mula sa Pilipinas
Ipinaliwanag ng CAB na ang fuel surcharge ay karagdagang bayad bukod sa base fare ng airlines.
Facebook Comments










