
Inaunsyo ng Civil Aeronautics Board (CAB) na walang magiging paggalaw sa fuel surcharge ng airlines sa papasok na buwan ng September.
Nangangahulugan ito na mananatili sa Level 4 ang fuel surcharges sa susunod na buwan.
Bunga nito, ang fuel surcharge fees sa Setyembre ay papalo mula P117 hanggang P342 para sa domestic flights.
Habang P385.70 hanggang P2,867.82 naman sa international flights.
Ikinatuwa naman ito ng local airlines dahil tamang-tama anila ang timing ng hindi paggalaw ng fuel surcharge ngayong papasok ang “ber” months.
Ayon sa AirAsia Philippines; Philippine Airlines; at Cebu Pacific, mas makaka-plano ng maayos ang mga pasahero sa kanilang holiday trips dahil mas makakatipid sila sa pamasahe sa eroplano.
Ito ay lalo na’t may mga kanya-kanyang promo ngayon ang airline companies para sa mga pasahero.









