Fuel surcharge sa mga eroplano, mananatili sa Level 7 – Civil Aeronautics Board

Inanunsyo ng Civil Aeronautics Board (CAB) na ang passenger at cargo fuel surcharge sa flights ay mananatili sa level 7 ngayong December.

Ayon sa CAB, kasunod ito ng pagbaba ng halaga ng jet fuel.

Sa ilalim ng Level 7, ang mga pasahero ng eroplano ay magbabayad lamang ng fuel surcharge na ₱219 hanggang ₱739 para sa domestic flights.


Habang ₱723 hanggang ₱5,374 naman para sa international flights depende sa layo ng destinasyon.

Ang fuel surcharges ay ang karagdagang binabayaran ng air passengers para maka-recover ang airlines sa fuel costs.

Facebook Comments