Fuel vouchers, dapat nang kunin ng higit 80,000 benepisaryo nito

Manila, Philippines – Pinakiusapan Senator Sonny Angara ang mahigit 80,000 lehitimong jeepney franchise holders na kunin na ang kani-kanilang fuel voucher card sa pinakamalapit na tanggapan ng LTFRB.

Ayon kay Angara, ito ay para matanggap na nila ang subsidiya sa langis sa ilalim ng Pantawid Pasada Program ng gobyerno na tulong kasabay nang hindi mapigilang paggalaw ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.

Ang pakiusap ni Angara ay kasunod ng report ng Department of Finance (DOF) na kakaunti lamang ang kumuha ng fuel subsidy cards para sa PUJs.


Base sa datos ng DOF nitong Enero, sa kabuuang 155,337 qualified franchise holders, ay 74,714 pa lamang sa mga ito ang kumuha ng fuel vouchers.

Naitala na may pinakamababang claim rate ay ang Region 10 na mayroon lamang 28.52 porysento, habang pinakarami namang kumuha sa Region 8 o Eastern Visayas.

Umaabot sa halagang P5,000 nitong 2018 at P20,514 ngayong 2019 ang fuel subsidies sa bawat franchise holder na hahatiin sa apat na bigay o isang beses kada apat na buwan.

Facebook Comments