Malabong magkaroon ng interaction ang dalawang bagyong nagbabadyang manalasa sa Pilipinas at magdulot ng “Fujiwhara” effect.
Ito ang sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na kasalukuyang binabantayan ang dalawang bagyo; Typhoon Rolly na malapit nang tumama sa Philippine landmass, at ang Tropical Storm na may international name na “Atsani” na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Raymond Ordinario, kahit nasa loob ng PAR ang dalawang bagyo ngayong weekend, malabong mangyari ang Fujiwhara effect dahil malayo ang sentro ng mga bagyo sa bawat isa.
Sa depinisyon ng United States National Weather Service, ang Fujiwhara effect ay isang phenomenon kung saan kapag malapit ang distansya ng dalawang bagyo sa isa’t isa ay mag-iikutan ang mga ito hanggang sa magsanib pwersa bilang isang malakas na bagyo.