Nagpatupad ng full alert status ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) San Jacinto noong Easter Sunday, Abril 5, kasabay ng pagdagsa ng mga deboto sa St. Hyacinth Parish Church.
Nagsanib-puwersa ang MDRRMO, Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) na bantay-sarado sa kaayusan sa loob at paligid ng simbahan.
Inilatag ang mga police personnel at responders sa mga piling lugar kung saan binantayan ang maayos na daloy ng mga nagsisidatingan.
Ito ay bahagi ng paggunita sa Linggo ng Pagkabuhay, pinalakas ang seguridad sa mga mataong lugar.
Kaugnay nito, inabisuhan ng ahensya ang mga bibisita na manatiling mapagmatyag at sumunod sa mga ipinatutupad na alituntunin sa bayan ng San Jacinto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
