FULL ALERT | PNP, handang-handa na sa pagdagsa ng mga tao ngayong Undas

Mas konti ang mga pasaherong nagsisi-uwian sa mga probinsiya ngayong Undas kumpara noong nakaraang taon.

Sabi ni NCRPO Chief General Guillermo Eleazar sa interview ng RMN Manila, na natapat kasi sa weekend ang araw ng mga patay kaya tiyak na nakauwi na ang ilan sa kani-kanilang mga probinsya noong isang linggo pa.

Pero hindi ibig sabihin nito aniya ay magpapaka-kampante na sila sa pagbabantay sa seguridad.


Dagdag pa ni Eleazar, ngayon pa lang ay may mga naka-set up nang police assistance desk sa mga sementeryo para tumugon sa pangangailangan ng mga bibisita sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay.

Facebook Comments