Full Alert Status ipinapatupad sa Cotabato City at ARMM

Naka heightened alert na ang lahat ng mga otoridad sa Cotabato City bunsod sa banta ng pambobomba.

Mas pina- igting pa ang ginagawang security measures ng mga pinagsanib na pwersa ng City PNP, 5th Special Forces at Joint Task Foce Kutawato lalo na ang pagpapatupad ng checkpoints sa entry at exit point ng syudad.

Kaugnay nito , alas 9 kagabi ng magpatupad ng lockdown sa syudad matapos mangyari ang IED EXPLOSION sa General Santos City pasado alas 11 kahapon ng umaga at pagsabog sa Midsayap , North Cotabato pasado alas 7 kagabi.


Matagal ng aminado ang mga otoridad na kabilang ang Cotabato City sa sinasabing target ng mga terorista base na rin sa mga intel reports ayon pakay 5th Special Forces Commander Lt. Col. James uri sa panayam ng DXMY.

Bukod sa Cotabato City, ipinapatupad na rin ang Full Alert Status sa buong ARMM ayon pa kay PSI Jemar Delos Santos, Spokesperson ng PNP ARMM

Facebook Comments