Full alert status, itataas ng PNP sa Disyembre 15 bilang bahagi ng “Ligtas Paskuhan 2025”

Simula Disyembre 15, inaasahang magtataas ng alerto ang Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng “Ligtas Paskuhan 2025.”

Kasabay nito ang pagsisimula ng tradisyunal na Simbang Gabi o Misa de Aguinaldo sa buong bansa.

Ayon kay Acting PNP Chief, PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr., inatasan na niya ang mga police commanders na paigtingin ang presensya sa mga key areas upang maagapan ang posibleng krimen bago pa ito mangyari.

Kaugnay nito, inaasahan na magde-deploy ang PNP ng mahigit 70,000 personnel kasama ang mga auxiliary units at assets upang magbantay sa mga simbahan, pangunahing kalsada, terminals, malls, pasyalan, at sa mga itinakdang fireworks zones.

Dagdag pa ng ahensya, maglalagay rin sila ng mga kapulisan sa mga tourist spots at bentahan ng paputok.

Hinimok naman ni Nartatez ang publiko na maging alerto at makipagtulungan para sa ligtas at mapayapang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Facebook Comments