Mananatiling naka full alert ang Philippine National Police hanggang matapos ang canvassing of votes kaugnay nang nakalipas 2019 National and local midterm election.
Pero ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Bernard Banac ipinauubaya na ng pamunuan ng PNP sa mga PNP Regional Directors ang pagdedesisyon sa pagbaba ng kanilang alerto o paglalagay sa heightened alert ng kanilang nasasakupang lugar.
Samantala ang Armed Forces of the Philippines naman ay nanatiling nasa blue alert status ang kanilang hanay hanggang sa matapos ang canvassing of votes.
Matatandaang una nang nagdeploy ang PNP at AFP nang mahigit dalawang daang libong mga pulis at sundao para magpatupad ng mahigpit na seguridad mula nang magsimula ang halalan hanggang ngayong bilangan.
143,000 ay mga pulis habang mahigit 90,000 ay mga sundalo.