Full alert status ng PNP, mananatili hanggang matapos ang Undas

Simula October 28 o bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023 hanggang makabalik ang mga kababayan nating gumunita ng Undas sa kani-kanilang lalawigan ay nakataas sa full alert ang status ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, hindi na sila magbababa ng antas ng alerto upang masiguro na magiging maayos at mapayapa ang bansa sa nasabing long weekend.

Ani Fajardo, todo alerto ang mahigit 187,000 puwersa ng Pambansang Pulisya sa iba’t ibang panig ng bansa.


Paliwanag pa ni Fajardo, pagkatapos ng Undas ay posibleng ibaba nila sa heightened alert ang kanilang status at muling magtataas ng alerto bago ang Pasko at Bagong Taon.

Paalala ng PNP sa mga pulis na ipatutupad ang ‘no day off, no leave policy’ sa layuning masiguro na matagumpay na maidaraos ang magkakasunod na aktibidad sa bansa.

Facebook Comments