Full Alert Status ng PRO2, Mamayang hapon pa lamang!

Cauayan City, Isabela- Pinaaalerto na ni P/BGen. Angelito Casimiro, Regional Director ng PR02 ang lahat ng hanay ng kapulisan sa lambak ng Cagayan bilang paghahanda sa pananalasa ng bagyong Ramon na inaasahang tatama sa araw ng Sabado o Linggo.

Ipinag-utos ni P/BGen. Casimiro sa lahat ng kapulisan na bago mag alas-singko ngayong hapon ay dapat nakabalik na sa kanilang unit para sa full alert hanggang sa araw mismo at pag-alis ng bagyo.

Nilinaw ni P/BGen.Casimiro na kailangan din na mabigyan ng panahon ng mga pulis ang kanilang pamilya upang matiyak rin ang kanilang seguridad kung kaya’t mamayang alas singko pa lang ng hapon ilalagay sa full alert status ang kanilang hanay.


Kaugnay nito, magsasagawa ngayong araw ng physical showdown ang halos 500 pulis ng PR02 na nakatakdang i-deploy sa ibat-ibang lugar, general check up sa mga sasakyan at iba pang kagamitan sa kalamidad na kanilang gagamitin sa pagtugon sa mga hindi inaasahang maaapektuhan ng kalamidad.

Samantala, hindi na madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan, papasok at palabas ng barangay Patunungan sa bayan ng Sta. Ana matapos na gumuho ang ilang parte ng bundok dahil sa nararanasang pag-ulan.

Facebook Comments