
Ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang full alert status sa buong bansa bilang bahagi ng preparasyon sa Undas simula October 31.
Layon ng nasabing hakbang na matiyak ang kaligtasan ng publiko lalo na at inaasahang dadagsain ang mga sementeryo,memorial parks at mga transport hubs sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Kaugnay nito, inatasan ni Acting PNP Chief Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr. na pag-igtingin ang visibility operations ng mga police regional offices sa darating na Undas.
Kung saan nasa 25 na libong mga pulis ang ipapakalat sa mga lugar habang nakastandby na rin ang mga karagdagang pwersa at kagamitan sakaling magkaroon ng insidente.
Samantala, hinikayat naman PNP ang publiko na maging alerto at ireport agad ang mga kahina-hinalang aktibidad sa mga awtoridad.









