Malaki ang maitutulong ng teknolohiya para mas mapaganda ang operasyon ng PhilHealth.
Sa ngayon kasi aminado si PhilHealth President and COO Ricardo Morales, na kulang na kulang sila sa tauhan para mas mabantayan nang husto ang operasyon ng PhilHealth.
Paliwanag pa ni Morales, kapag full automated na ang sistema, mabilis makikita ang anomalya sa ahensya.
Sa ngayon, kabilang sa tauhan na kailangan para sa imbestigasyon ay ang mga abogado.
Nabatid na 23,000 ang kaso na dapat imbestigahan pero nasa 200 pa lamang ang natututukan.
Habang ang mainit na usapin sa Wellmed ay pang 800.
Samantala, nilinaw ni Morales na hindi overnight o agad maisasakatuparan ang full automation sa operasyon ng PhilHealth at kailangan pa itong idevelop.
Facebook Comments