Full-blown El Niño, nagbabadya!

Manila, Philippines – Bukod sa low pressure area, binabantayan din ngayon ng pagasa ang posibleng pagkakaroon ng full-blown El Niño sa bansa.

Sa press conference kanina, sinabi ni Dra. Flavy Hilario, deputy administrator for research and develpopment, na naka-“El Niño Watch” pa lang ngayon ang PAGASA.

Sa ngayon kasi, tatlong buwan pa lang na nararamdaman ang 0.5 degrees celsius above the normal temperature at idedeklara lang nila ang full-blown El Niño kapag tumagal na ito nang limang buwan.


Sakali namang magtuloy sa full-blown El Niño, posibleng maramdaman lang ito sa maikling panahon.

Facebook Comments