Full Cabinet meeting, idaraos bukas

31

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque na magkakaroon bukas, March 3, Miyerkoles ng full Cabinet meeting.

Sa presscon nito sa Malakanyang, sinabi ng kalihim na wala pa syang natatanggap na notice hinggil sa mga posibleng matalakay sa Cabinet meeting.


Ani Roque, confidential ang mga paksang pag-uusapan sa meeting at kanila na lamang malalaman ang agenda sa mismong araw ng pulong o bukas.

Kasunod nito, sinabi ni Roque na naka-antabay lang si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdating ng anti-COVID-19 vaccine na AstraZeneca na mula sa Covax Facility.

Matatandaang noong Lunes, dapat ide-deliver ang nasa 525,600 doses ng AstraZeneca vaccines sa bansa pero dahil sa taas ng demand mula sa global community kaya ito naantala.

Hindi pa masabi sa ngayon ng pamahalaan kung kailan ang dating ng mga bakuna mula sa AstraZeneca pero ito ay sasalubungin din ni Pangulong Duterte upang personal na magpasalamat sa World Health Organization at sa United Kingdom government.



Facebook Comments