Full council meeting ng Regional Peace and Order Council-National Capital Region, sumentro sa Public Safety at Threat situation sa NCR

Tiniyak ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang kanilang kahandaan sa pagbibigay ng seguridad sa Metro Manila.

Sa Regional Peace and Order Council-National Capital Region, napag-usapan ang sitwasyon ng kapayapaan at kaayusan sa National Capital Region (NCR).

Dinaluhan ito ng 31 na opisyal sa pangunguna ni San Juan City Mayor at Metro Manila Council President Francis Zamora.


Present sa pulong si NCRPO Director Police Major General Melencio Nartatez Jr at kanyang mga District Director.

Ayon kay Mayor Zamora, mahalagang mapag-usapan ang kahandaan ng NCR sa ibat ibang mga banta kasama na ang mga banta na mayroong tuwing holiday season.

Samantala, nagbigay naman ng kani-kanilang Presentation ang BFP NCR para sa Fire Safety Preparations, PDEA NCR para sa Illegal Drug Campaign at NTF-ELCAC para sa kampanya laban sa violent extremism.

Facebook Comments