Umapela si Senator Christopher “Bong” Go sa pamahalaan na dagdagan ang suporta sa mga magsasaka na naapektuhan ng pananalasa ng magkakasunod na mga bagyo.
Kaugnay rito ay inirekomenda ni Go na magkaroon ng full crop insurance coverage para sa agrarian reform beneficiaries upang mabigyan sila sa kompensasyon mula sa nangyaring pagkalugi.
Isinusulong din ng senador na mapalawak ang saklaw ng Philippine Crop Insurance Corporation upang maisama ang mga non-crop agricultural asset kasama ang livestock at fisheries.
Tinukoy ni Go na mahalagang maging mas accessible at padaliin ang pagpapautang upang maprotektahan ang mga magsasaka sa mga mapang-abusong lending practice.
Iginiit pa ni Go ang pangangailangang isulong ang education and training programs sa mga magsaka at kanilang mga anak.