Nakahanda na ang Pangasinan Police Provincial Office sa pagbabantay sa probinsya sa pagdaraos ng Semana Santa.
Ayon kay Pangasinan PPO PD PCol. Rollyfer Capoquian, walang nakabakasyon na mga police personnels lalo ngayong panahon kung saan higit nangangailangan ang publiko ng proteksyon.
Muling iginiit ang pagpapanatili sa maximum police visibility o presence sa bawat bayan at lungsod o ang 85% na mga kapulisang nasa labas upang maagap ang maging pagtugon sa mga posibleng insidente ngayong Mahal na Araw.
Magpapatuloy ang pag-aantabay sa lalawigan kahit pagkatapos ng Semana Santa, bunsod na rin ng buong Summer Vacation ngayong taon.
Layon nitong maiwasan ang ilang madalas na insidente ng pagnanakaw, physical injuries at iba pa kasabay ng inaasahang dagsa ng mas maraming tao sa iba’t-ibang lugar sa Pangasinan.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨