FULL DEPLOYMENT NG POSO ENFORCERS SA DAGUPAN CITY, KASADO NGAYONG BANGUS FESTIVAL

Nakatakdang ideploy ang mahigit isang daang Public Order and Safety Office o POSO personnel sa highlight event ng Bangus Festival 2025 – ang Gilon Gilon Street Dancing Competition at Kalutan ed Dalan – Bangusan Street Party.

Ayon kay POSO Dagupan Deputy Head Rexon De Vera, nasa mahigit walumpong (80) mga kawani sa magkaibang dalawang shift ang aalalay sa mga kakalsadahan upang maging maayos ang mga kaganapan.

Nauna nang naglabas ang POSO Dagupan ng traffic rerouting scheme upang maabisuhan ang mga motorista sa mga alternatibong ruta.

Samantala, ayon sa kay Mayor Belen Fernandez, handang handa na raw ang pagdiriwang ng world-renowned Bangus Festival, saklaw ang mga inilatag na mga aktibidad tulad ng Bangus Rodeo, at iba pa. Inaasahang lalahukan ng daan-daang libong bisita ang kaganapan sa darating na April 30, 2025. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments