Full-Face Makeup Using One Liptint

IMAGE: BEAUTYTAP

Naranasan mo na bang ma-late sa work or school, maiwan ang pouch na naglalaman ng make-ups at madala lamang ay liptint? Worry no more dahil maaari mong magamit ang liptint na yan para sa full face make-up na gusto mong ma-achieve. Ito ang ilan sa mga steps na pwede mong gawin kung sakaling liptint lang ang iyong nadala.

Liptint as eyeshadow

Maaari mong gamitin ang liptint as eyeshadow. Lagyan ng onti ang finger at i-tap tap ang talukap ng mata, ilagay ng naayon sa gusto at kung sa tingin mo ay okay na, diretso na tayo sa pisngi.


 

Liptint for blush-on

Ito naman talaga ang common na ginagawa. Ginagamit ang liptint sa pisngi para rosy cheeks. Nauuso na rin ang drunk blush na kung saan pati ang gitnang ilong ay lalagyan din ng liptint para mapula-pula at tisay tignan.

 

Liptint as lipsticks

Lagyan ng liptint ang labi sa gusto mong dami o pula. Ayusin lang at ipantay ito sa taas pati sa babang bahagi ng labi.

Ayan, full face make-up gamit lang ay liptint. Maging madiskarte lang paminsan minsan para ang pinapangalagaang looks ay laging ma-achieve.

Facebook Comments