Unti-unti ang magiging pagpapatupad ng face-to-face classes sa high school sa Quezon City.
Ito ay dahil sa kakulangan ng mga classroom sa sampung mga paaralan mula sa 158 bilang ng mga eskwelahan sa lungsod, kabilang sa mga ito ay ang:
1. Justice Cecilia Munoz Palma High School
2. Bagong Silangan High School
3. Batasan Hills High School
4. Balara High School
5. San Bartolome High School
6. Novaliches High School
7. Doña Rosario High School
8. Ismael Mathay Sr. High School
9. New Era High School
10. Emilio Jacinto High School
Paliwanag ni Quezon City Schools Division Superintendent, Dr. Jenilyn Corpuz, mayroong kakulangan sa mga gurong magtuturo sa Emilio Jacinto National High School sa Brgy. Pasong Tamo.
Pero ang Bagong Silangan High School na mayroong mahigit 6,000 mag-aaral ay maari lamang maging 100% ang implementasyon kapag nagawa na ang konstruksyon ng itinatayong bagong gusali rito.