FULL FORCE | Sunod – sunod na pagkakaaresto sa mga teroristang grupo, patunay lamang na lumalakas ang police intel ayon sa PNP

Manila, Philippines – Kasunod ng mga naaarestong miyembro ng mga teroristang grupo, dito sa Metro Manila, sinabi ngayon ni PNP Chief Director Gen Oscar Albayalde na wala dapat ikabahala ang publiko.

Ito ayon kay Albayalde, ay dahil senyales ito na lumalakas ang police intelligence kaya’t dumarami ang mga nahuhuling terorista na tumakas mula sa kanilang lugar.

Sinabi rin ni Albayalde na mas naging aktibo ang publiko sa kasalukuyan, dahil sa pagiging alerto sa paguulat ng mga kahinahinalang indibidwal sa kanilang lugar.


Facebook Comments