Full implementation ng Executive Order hinggil sa price cap sa mga gamot, pinaiiral na ng DOH

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na sinimulan na nila ang full implementation ng Executive Order (EO) na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa price caps.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, kabilang sa mga sakop nito ang mga gamot sa hypertension, diabetes, mataas na cholesterol, asthma at chronic obstructive pulmonary disease, gayundin ang colorectal, lung, at breast cancers.

Nangangahulugan ito na magkakaroon ng otomatikong pagbaba ng presyo ng gamot sa naturang mga sakit.


Nilinaw rin ng DOH na mananatili ang discount sa mga gamot sa senior citizens at Persons-with-Disability (PWDs).

Ang mga lalabag naman sa maximum drug retail price, sa ilalim ng Republic Act no. 9502 o Cheaper Medicines Act ay pagmumultahin ng P50,000 hanggang kalahating milyong piso.

Mahigpit ding imo-monitor ng Food and Drug Administration (FDA).

Facebook Comments