Full implementation ng face-to-face classes, malaking hamon sa susunod na administrasyon ayon sa isang grupo ng mga educator

Aminado ang isang grupo ng mga educator na hindi sapat ang pondo ng Department of Education (DepEd) para tuluyang maipatupad ng buo ang face-to-face classes.

Ito’y kasunod ng napipintong pagbabalik sa normal ng sitwasyon dahil sa naitatalang mababang kaso ng COVID-19 sa bansa kahit may naitatala pang mga bagong variant at subvariant ng virus.

Batay sa isinagawang survey ng Movement for Safe, Equitable, Quality and Relevant Education (SEQuRe) Education, aabot sa 59 hanggang 83 porsyento ng mga guro ang nagsabing abonado pa sila sa mga ginagamit nilang material sa pagtuturo.


Lumabas din sa survey na hirap umano ang may 69 hanggang 89 porsyento ng mga respondent na pawang pamilya ng mga mag-aaral sa distance learning dahil sa laki ng kanilang gastos dulot.

Dumipensa naman ang DepEd sa pagsabing isinumite na nila sa Kongreso ang pangangailangan para sa isang trilyong pisong pondo para sa edukasyon para matugunan ang mga pangangailangan ng sektor sa susunod na anim na taon sa ilalim ng bagong administrasyon.

Facebook Comments