DAGUPAN CITY – Nagbigay ng katiyakan ang Schools Division Office Dagupan ukol sa pagtutuloy nila sa full implementation ng face to face classes sa darating na pasukan ng mga pampublikong paaralan sa August 29, 2023.
Tuluyan na rin kasing humupa ang mga tubig baha na naipon sa mga paaralan sa Dagupan sabay ng pagbuti ng panahon at handa na umano ang mga ito para sa darating na pasukan lalo at ilang linggo na lamang ay magsisimula na ang balik eskwela.
Ayon sa Schools Division Office, ang nagiging problema talaga ng mga paaralan ay ang high tide sa lungsod kung saan lalong apektado ang mga paaralan na may mga low lying classrooms pero sa ngayon ay nakapaghanap naman daw ng alternatibong rooms ang mga paaralan para magamit ng mga estudyante sa klase.
Tulad na lamang sa West Central 1 Elementary school kung saan pitong classrooms ang apektado ng high tide at nalulubog talaga sa tubig kung saan higit isang metro ang taas.
Kaya ang mga naturang classrooms, matagal naman na umanong hindi ginagamit dahil mayroon naman nang bagong building kung saan nagagamit na ng mga bata para sa klase at nang sa gayon ay makaiwas na rin sa mga sakit na maaaring nilang makuha sa naipong tubig gaya ng dengue at leptospirosis.
Samantala, tuloy na tuloy na ang balik eskwela sa darating August 29 at handa naman na ang mga paaralan para muling mag-accommodate ng mga magulang at estudyanteng papasok sa paparatin na panibagong school year. |ifmnews
Facebook Comments