Full implementation ng food stamp program ng DSWD, aarangkada na sa Hulyo

Sisimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang full implementation ng “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program” sa Hulyo.

Kasunod ito ng 6 na buwang pilot implementation ng programa noong Disyembre.

Ayon kay DSWD Usec. Eduardo Punay, pagkatapos ng pilot roll-out ngayong Mayo, magsasagawa sila ng review at assessment sa Hunyo.


Nag-hire din ang ahensya ng nasa 1,000 validators upang i-validate ang 300,000 benepisyaro ng food stamp program mula sa 21 probinsya sa bansa na tinukoy bilang priority areas.

Sa ilalim ng programa, makatatanggap ang benepisyaro ng ₱3,000 halaga ng monthly food credits na maaaring gamitin pambili ng pagkain mula sa DSWD-accredited local retailers.

Dapat na “food-poor” family o kumikita lamang ng ₱8,000 kada buwan ang benepisyaryo ng programa.

Target ng DSWD na magkaroon ng isang milyong benepisyaryo ang programa pagsapit ng 2027.

Ang food stamp program ay flagship program ng administrasyong Marcos na layong tugunan ang problema sa gutom.

Facebook Comments