Full implementation ng Magna Carta of the Poor, itinutulak ni Rep. Loren Legarda

Isusulong ni 3-term Senator at Antique Rep. Loren Legarda ang full implementation ng Republic Act 1129 o ang Magna Carta of the Poor.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Legarda na syang pangunahing may-akda ng nasabing batas na ito ay upang matulungan ang taong bayan na lubhang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa COVID-19.

Giit ni Legarda, walang dahilan ang pamahalaan na hindi maglaan ng pondo para sa mga mahihirap lalo na’t dumami pa ang bilang ng mga naghihikahos ngayong pandemya.


“Walang dahilan na ang pamahalaan ay hindi maglaan ng pondo para sa mga mahihirap lalo na ngayong pandemya. Ayon nga sa NEDA, naestima na ang poverty rate natin ay tumaas sa 18.3% last year dahil nga sa pandemya at ipinasa natin ang Magna Carta of the Poor right before magpandemya na layon ng batas na aking ginawa ang maibsan ang kahirapan para sa mga kababayan natin na mahihirap,” ayon kay Legarda.

Facebook Comments