Full implementation ng RFID sa lahat ng mga expressway, maaaring ipatupad na ngayong taon

Target ng Toll Regulatory Board (TRB) ngayong taon ang implementasyon ng full interoperability ng RFID systems sa lahat ng tollway sa bansa.

Ayon kay TRB Spokesman Julius Corpuz, maaaring ngayong taon din ito ay lilipat na sila sa cashless toll collections.

Kasalukuyan kasi ay gumagamit ng dalawang RFID accounts ang mga motorista sa iba’t ibang toll na pag-aari ng mga iba’t ibang kompanya.


Sisimulan ngayong araw ang pilot run ng nasabing proyekto kapag naging matagumpay ito ay magtutuloy-tuloy na ito hanggang sa buwan na ng Hulyo.

Samantala, hanggang sa buwan din ng Hulyo ay target nilang ipatupad ang cashless toll.

Facebook Comments