Manila, Philippines – Handa na ang Department of Health (DOH) at Commission on Population (POPCOM) para sa full implementation ng Responsible Parenthood at Reproductive Health Law.
Ito ay matapos ideklara ng Food and Drug Administration (FDA) ang 51 contraceptive products na ‘non-abortifacient’ o hindi makakapag-laglag ng sanggol.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III – makakatulong ito na mapangalagaan ang reproductive health ng mga babae at lalaki maging sa pagpaplano sa pagbuo ng pamilya.
Kumpiyansa ang kalihim na buo ang suporta ng public health sector sa programa.
Para naman kay POPCOM Executive Director Juan Antonio Perez III – kahapon ay nagsimula na ang pagpapatupad ng revised Implementing Rules and Regulations (IRR) ng RH law.
Pero nitong Abril, ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng gobyerno na alisin ang Temporary Restraining Order (TRO) na inisyu noong 2015 sa pag-procure, pagbenta at distribution ng contraceptives.
Katwiran ng SC, hindi nila pwedeng i-lift ang TRO habang hindi pa nakukumpirma mula sa FDA ang kaligtasan ng paggamit ng mga contraceptive implants.