Full implementation ng Sagip Saka Act, iniutos ni PBBM

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang full implementation ng Sagip Saka Act, na layong tulungan ang mga magsasaka at mangingisda na kumita nang mas maayos.

Sa ilalim ng Executive Order 101, puwedeng direktang bumili ang gobyerno ng mga produkto mula sa mga kooperatiba o samahan ng mga magsasaka at mangingisda nang hindi na kailangang dumaan sa bidding.

Dahil dito, siguradong didirekta sa kanila ang kikita at hindi na nadadaan sa mga middleman.

Inatasan din ang lahat ng ahensya ng gobyerno, at mga lokal na pamahalaan na tiyaking ang mga pagkaing inihahain sa opisina o mga government event ay galing sa lokal na produkto ng mga Pilipinong magsasaka at mangingisda.

Ang Department of Agriculture (DA) ang mamumuno sa pagpapatupad ng programa, habang ang Farmers and Fisherfolk Enterprise Development (FFED) Council ang magbabantay sa pagsunod dito.

Magtatayo rin ng mga Sagip Saka Desk sa bawat rehiyon para sa impormasyon, tulong, at koordinasyon ng mga benepisyaryo.

Ang Sagip Saka Act, na naisabatas noong 2019, ay ginawa para masigurong direkta at patas ang kita ng mga nagtatanim at nangingisda.

Facebook Comments