Full implementation ng StaySafe.PH, aarangkada na sa Mayo

Simula sa Mayo, ipapatupad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang full rollout ng StaySafe.PH na isang contact tracing application.

Ito ay matapos i-turnover ng developer MultiSys Technologies Corporation ang nasabing app nitong Marso.

Ayon kay DILG OIC Undersecretary Bernardo Florece Jr., iuugnay ang StaySafe.PH sa iba pang contact tracing apps ng mga lokal na pamahalaan.


Aniya, isang paraan para mapaigting ang contact tracing efforts ay ang paggamit ng QR codes ng iba’t ibang gusali para mas mabilis at mas ligtas ang pagkuha ng datos ng mga tao.

Mas mapapabilis din aniya nito ang tugon kontra COVID-19 at mas mabilis ding mabibigyan ng babala ang mga tao na maaaring nagkaroon ng close contact sa mga nagpositibo sa virus.

“Ang kagandahan lang nito ay hindi na tayo magsusulat sa ating health declaration form bawat pasok natin sa isang establishment. Iyong QR code na lang po ang babasahin ng ating mga security personnel at doon na po mababasa nila kung tayo ay nag-positive, tayo ay asymptomatic, depende rin sa health declaration mo at kayo ay maaabisuhan kung mayroon kayong nakasabay doon sa mall na iyon o sa establishment na ibang positive, ibang tao na naging positive also,” ani Florece.

Sinabi naman ni Multisys CEO David Almirol Jr., ginagamit ang nasabing app sa 200,000 establisyimento at 700 na Local Government Units (LGUs) sa buong bansa.

Kabilang sa StaySafe.PH features:

 

–              Citizen’s registration

–              Health condition reporting

–              Social distancing system

–              COVID-19 updates

–              Contact tracing

–              Real-time case management of LGU

–              Establishment of protection system

–              LGU heat map and response system

Facebook Comments