Full military honors, iginawad kay Chinese Premier Li Keqiang

Nakaalis na ng bansa si Chinese Premier Li Keqiang.
Ginawaran ito ng full military honors sa kanyang departure o pag-alis sa paliparan ng Ninoy Aquino International Airport terminal 2 bago mag alas-dose ng tanghali.

Kaya espesyal ang paghatid kay Li Keqiang dahil maliban sa pagdalo nito sa 31st ASEAN Summit
nagtungo rin sya sa Pilipinas para sa isang official state visit.

Inihatid si Chinese Premier Li Keqiang ni DFA Sec. Allan Peter Cayetano.


Ayon kay Cayetano maraming napag usapan sina Pangulong Rodrigo Duterte at Li Keqiang na sumentro sa pagtatayo ng imprastraktura sa Pilipinas.

Magkakaloob din aniya ng P1B donasyon ang china para sa pagbangon ng mga pinoy sa Marawi.

Sa kabilang banda, hindi naman natalakay ng 2 mataas na opisyal ang tungkol sa kontrobersyal na pinag-aagawang teritoryo, ang West Philippine Sea.

Sa ngayon makakahingi na ng maluwag ang mga otoridad dahil si Chinese Premier Li Keqiang ang pinakahuling lider na umalis ng bansa.

Facebook Comments