Full online classes para sa second sem ng SY 2022-2023, ipagbabawal na ng CHED

Inatasan ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga higher education institutions na mag-alok na lamang ng full onsite learning o hybrid learning modality sa mga estudyante simula sa ikalawang semester ng School Year (SY) 2022-2023.

Batay sa inilabas na bagong guidelines ng CHED, ipinagbabawal na ang full online classes nang walang pahintulot ng komisyon.

Ibig sabihin, dapat nang magbalik campus ang mga mag-aaral sa kolehiyo.


Maliban dito, balik face-to-face setup na rin ang on-the-job (OJT) training, mga aktibidad ng National Service Training Program, at mga laboratory courses.

Samantala, papayagan naman magpatuloy ang online classes ng Open and Distance Learning (ODL) institutions tulad ng UP Open University at PUP Open University System.

Facebook Comments