Target na maibalik ngayong araw ang buong operasyon ng Manila Central Post Office matapos itong masunog noong Linggo ng gabi.
Ayon kay Postmaster General Luis Carlos, nakabalik na bahagya ang kanilang operasyon.
Nakalipat na rin ang lahat ng mga letter courier sa foreign service distribution center sa Delpan.
Ang corporate side naman nila ay nakalipat na rin sa kanilang Central Mail Exchange sa Airport Road sa Pasay City.
Kaugnay nito, nakipag-ugnayan na sila sa Central Mail Exchange Office para sa inventory ng mga sulat, parcel at national IDs na nadamay sa sunog.
Umaasa naman ang buong pamunuan ng Central Post Office na magiging mabilis ang pagsasaayos sa kanilang tanggapan na isa sa itinturing na makasaysayan na building sa bansa.
Facebook Comments