Full operation ng mga provincial bus ngayong panahon ng Pasko, pinag-uusapan na

Pinagpupulungan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ilang ahensya ng pamahalaan ang panawagan ng ilang grupo na gawing full operational ang mga provincial buses lalo na ngayong Pasko.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, umaasa silang magkakaroon ng programa ang pamahalaan
Aniya, kailangan kasing matugunan muna ang ilang concern at isyu tungkol sa pagbiyahe ng mga bus bago ito payagan.

Matatandaang nanawagan ang ilang grupo ng provincial bus na payagan na ng gobyerno na magbukas ng ibang ruta at ibalik sila sa dati nilang terminal.


Paliwanag nila, ilan kasi sa mga pasahero ang ayaw na palipat-lipat pa ng masasakyan bago makauwi ng kanilang probinsya.

Facebook Comments