CAUAYAN CITY- Naibigay na ang buong bayad sa mga land rental sa mga magsasaka sa bayan ng Echague, Isabela.
Ang naturang land rental ay bahagi ng programa ng Lokal na Pamahalaan ng Echague na Tobaccao Project na naglalayong tulungan ang mga magsasaka at bayan ng Echague.
Kabilang naman sa mga Barangay na nakatanggap na full payment ay ang Brgy. Villa Victoria, Fugu, Buneg, Malitao, Annafunan, Tuguegarao, Sto. Domingo, Gucab, Mabuhay, Salay, Dugayong, at Carulay.
Bukod dito, puspusan din ang pamamahagi ng libreng binhi ng palay at mais sa mga magsasaka sa bayan ng Echague.
Samantala, nagsagawa naman ng paghahanda ang hanay ng LGU Echague sa mga lupaing pagtatamnan ng mga tabako upang masimulan na ang pagtatanim nito.
Facebook Comments