FULL REFUND | Gastos sa anti-dengue vaccine, pinababalik sa Sanofi Pasteur

Manila, Philippines – Hihingin ng Department of Health (DOH) ang full refund mula sa Sanofi Pasteur na manufacturer ng Dengvaxia.

Sa inilabas na pahayag ng DOH, sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na tinitingnan na ng kanilang legal team ang accountability ng pharmaceutical company kasunod ng pag-amin na maaaring magkaroon ng severe dengue ang mga nabakunahan na ng Dengvaxia subalit hindi pa dinapuan ng dengue na nagbunsod naman ng panic sa mga magulang na nabakunahan na.

Papalo sa mahigit tatlong bilyong piso ang ibinayad ng DOH sa Sanofi para sa procurement ng mga bakuna.


Maliban sa refund, nais rin ng DOH na maglaan ang Sanofi ng Indemnification fund para sagutin ang hospital expenses ng mga batang maaaring tamaan ng malalang dengue.

Gayunman sinabi pa ni Duque na handa ang Philhealth na isama sa coverage ang pagpapagamot ng mga batang may severe dengue.

Maaaring maka avail ng 16 libong piso na Philhealth coverage ang bawat pasyente may severe dengue.

Patuloy naman aniya ang kanilang pag-update ng listahan ng mga batang siyam na taong gulang pataas bilang bahagi ng pinaigting na surveillance ng kagawaran.

Kaugnay nito, nangangailangan ng tatlumpong surveillance officers na siyang ide-deploy ng DOH sa Regions 3, Calabarzon, NCR kung saan sinimulan ang Dengue Vaccination Program.

Facebook Comments