Manila, Philippines – Taliwas sa rason ng Sanofi Pasteur na hindi naman daw nila ipinangako na 100% ang affectivity ng Dengvaxia vaccines kaya’t hindi nila ibabalik ang ibinayad ng DOH, nilinaw ngayon ni Health Undersecretary Enrique Domingo na hindi ito ang dahilan kung bakit humihingi sila ng refund sa Sanofi.
Ayon kay Usec. Domingo, kaya sila humihingi ng refund ay dahil bago pa iturok ang mga bakuna sa mga bata, hindi naman daw sinabi ng Sanofi, na hindi pala compatible ang bakuna sa mga seronegative na mga bata, o yung mga hindi pa nagkaka-Dengue.
Ayon kay Domingo, hindi ikinatuwa ng DOH ang pagmamatigas na ito nang Sanofi, kaya’t pinag-aaralan na aniya ng kanilang legal team na sampahan ito ng kasong sibil.
Facebook Comments