Mahigpit ang tagubilin ng Philippine National Police-Civil Security Group (PNP-CSG) na bawal ang pagsusuot ng full Santa Claus costume sa mga security guard ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Ayon kay PNP-CSG Director PMGen. Leo Franciso, may tamang uniporme ang mga sekyu.
Sakali umanong mag-iba ng uniform ang mga security guard ay kailangang dumaan muna ito sa approval ng kanilang tanggapan.
Sakaling labagin, papatawan ng penalty ang security agency na nagpahintulot nito.
Kanya namang nilinaw na bagama’t bawal ang full Santa Claus uniform ay papayagayan naman ng CSG ang pagsusuot ng sumbrero o Santa hat.
Facebook Comments